Friday, October 26, 2012

Roses, for ME?! ORLY??




Kaya pala tinatanong kung baha ba sa kanto namin. Hayy :""""> Di ko alam. Kanina ang dami kong gustong sabihin pero eto unti-unti nang inuubos ng tuwa at kilig. Haha nababading na ko. Kinikilig na po ang lola mo. Feeling to tuloy ngayon babae talaga ko huhuhu. Kinilig kasi talaga ko sa flowers.

before anything else,
ILOVEYOUTOO D! =):***

Salamat. Kasi nag-eeffort ka ng sobra para sakin. Una akala ko biro lang talaga, kasi ganun naman talaga mga text natin minsan pag pauwi ka na diba. Nung sinabi mo namang nasa may gate ka talaga namin akala ko may dala ka lang something edible, siguro donut ganun. Ganun lagi eh diba? Pero roses? Wala talaga sa isip ko yan. :"> Di ko talaga maisip na gagawin mo yan PARA SAKIN. (Moooore! XD haha. de joke lang. Baka nextime eh masurpresa ko eh himatayin nalang ako sa kilig) Tsaka, wala namang special sa araw na to.  In fact, nag-away pa tayo kagabi. (dahil sa password ko at mga nabasa mo sa messages sa facebook account ko na ayaw mo nang mabasa kamo.) Pareho naman tayong may mali dun at feeling ko majority kasalanan ko. </3 So wala talagang dahilan para sa mga ganyang eksena. Pero kahit ganon nagpunta ka pa dito galing sa training para lang bigyan ako ng roses. :">

Salamat kasi kahit ako yung tipong pang-iwan lang talaga, naiisip mo pa ding bigyan ng roses. Kahit ako na yata yung pinaka mabagal magreply sa balat ng universe, binibigyan mo pa din ng importansya. Kahit ako lagi yung dahilan ng mga away natin mahal na mahal mo pa din talaga ko. Kahit alam kong hindi ko napaparamdam sa'yo most of the time yung love, sobra-sobra pa yung binabalik mo sakin. Di ko alam kung bakit mahal na mahal mo ko dahil kahit sa sarili ko di ko makita kung ano bang meron sakin kung bakit napagtytyagaan mo ko.

  Ngayon lang ako nakatanggap ng roses, talaga. Pwera sa rose na binigay nung bading na partner ko sa prom nung higschool. Required eh. Di naman kasi nga talaga ko yung tipo ng babaeng pag eeffortan ng sobra eh. Sayang lang effort sakin eh. Kahit ako na yata yung girlfriend na madalas pang pinasakit ulo mo kesa magpalakas ng loob mo, nanjan ka padin lagi. Ngayon ko lang yata naramdaman yung sobrang pagpapahalaga. At sa'yo ko naramdaman yun. Ramdam na ramdam ko talaga. Salamat. ♥ Kaya di ko alam kung paano ko ba ibabalik lahat sa'yo tong pagmamahal, pang unawa, napaka habang pasensya, pagpapahalaga. Salamat. ♥♥♥ Mahilig talaga ko sa surprise. Pero bihira yata yung nag eeffort para surpresahin ako. Bilang lang sa kanang kamay ko. Haha. :)(

Salamat Bebe ko. :** Mahal na mahal kita. Alam mo naman yun diba. Sorry na sa mga kalokohan ko.

Little Miss not so Optimistic

Sometimes when life just keep on showing you its horrible side, you just get tired of believing things will eventually get better.

Thursday, October 25, 2012


Yea. Fucking delete the entire conversation in my inbox and in my life. Now.

The Verdict


CAUTION: The following grades aren’t pleasing in a parent’s eyes. Continue scrolling down and pretend you don’t see this post if you are my Mom or Dad. Thankyou.
Presentation Skills in I.T. - 2.5
Art Appreciation - 2.25
System Freaking Analysis and Design - 2.5
Web Devastating Development - 2.5
Damn Database Management Systems 2 - 3.0
Recreational  Games - 2.25
Ignore the italicized words also hahaha. Burst of feelings. </3
TRES. >:( for the first time in the history of my College years I got TRES. Daaaaamn! My eyes hurt upon seeing my DBMS classcard. And I know it was my fault also. Hahaha. I should’ve put more effort to that subject. As for Web devastating Development and System Freaking Analysis and Design, DAMN. I sacrificed 99.9% of my slumber just to work on their requirements. Hmm.. Recreational Games?? HAHA. Whatever. Let’s just say sports or anything related to it doesn’t work for me. 
and for these grades I thank Papa Jesus. Sorry I’m such a brat. <3

Thursday, October 18, 2012

Buti pa sila slim,
Di nila pinopoblema na ang sluggish ng itsura nila kapag body-fit. Di sila nagmumukang macho-men kapag naka sleeveless. Di sila mukang nababad sa tubig ng ilang araw sa picture kapag close up...
Huhuhuuhuhu. Ako kasi, tababoy.
:(( Hayyyy.

Anong masasabi ko sa CYBERCRIME LAW?

Wag naman padalos-dalos. Pag-isipan sana mabuti yung laman nung law bago ma-implement.

Hello my dear blog

How I miss youuu! :*

Sorry na hindi ako nag uupdate sa'yo. Sa maraming kadahilanan. Siguro ayoko lang mag blog ng alam kong may tao a paligid-ligid. Baka maexpose ka kasi sa kanila. And it'll be trouble when that happens. Wahaha. No way!

I interviewed myself and here's how it went...

Kamusta ka na ba??
Eto, okay naman? Sawang-sawa na sa mga machine problems sa web dev at mga school works. Kinakabahan sa magiging grades this semester. Nananabik na sa sembreak na taon-taon namang nauuwi lang sa blogging moments at never-happened out of town sembreak trips.

Anong pinagkakaabalahan mo??
Same old routine. Gising-Almusalminsan-Klase-Uwi-Problemahinproject-Pahinga-Puyat-Gising. Boring? Not quite. Pero sana maiba naman. Yknoww. Kahit yung puyat manlang maalis haha! Lintokwa naman kasi malaki pa yata sa mata ko yung eyebags ko no. Ano pa ba? Ah! Gumawa pa ko ng isang tumblr blog. Walalungs. Themed itey. Letters unsent ang peg. So yung mga posts ko dun may Dear*insertnamehere*, love ANAGC. Haha. I'm thinking twice kung anagc gagamitin ko. Makikilala nila ko pag ganun eh. Ayun ngaaaaaa. Bastaaa!

Kaya mo pa ba ang I.T??
Shemay. Tanong ko, sagot ko din. Malala na ko. Iknoww! :P Hmm. Sa totoo lang hirap na hirap na hirap na ko. Wala talaga yata kong future sa programming T.T puutik. Pero gusto ko ng web development, sana lang gusto nya rin ako no. <//3 Isang makaubos tulog na year na lang ggraduate na ko. Kakayanin ko na to. Huhuhuuh. Fuuuuu!

Kamusta groupings this sem??
May isang napakagaling sa web development na bumuhay sa grupo. May leader turned to cosplayer. May dedma-to-death sa mga nangyayari at nahihimbing sa tulog. May prinsesa ang peg. At may word processor. May tamad na napilitang sipagin dahil malulugmok ang grupo sa kawalan kung di kikilos. Ehem. Alam na. Trahedya.

Kamusta na kayo ni D??
Eto mahal na mahal ko pa din, hihihi. (Shet lakas tama) :">

Eh si..
SINO?! Tigilan. Next question please.

Namimiss ko na si daddy?
OO. Bigla ko talaga syang namiss nung nasa jeep ako once. Gara. :'( Namiss ko mga jokes ni daddy sa bahay. Mas pa-cool effect kasi yun kesa kay mommy eh. Tsaka simula nung nasa Qatar na si daddy bihira na lang din kami gumala buong family. Sya mahilig sa ganun eh. Wala nadin magddrive. Hayyy. T.T Deeeh!!

What is the square root of 141?
12. HAHAHAHAHHAHAHA.

Fit ka na ba?
Matagal na! Hahahalol. No. :/ Tababoy po ako. Sobra. Hay!

Sino ibo-boto mong Mayor sa eleksyon?
Yung hindi nagpapagawa ng daan na wala namang sira. Pakshet. XD joke. Di pa ko pwede bumoto. Under age pa ko.

May balak ka pa bang matulog?
OO NAMAN! Tingin mo sakin? Bampira? Duhhh. Sige. Lubayan mo na yang kalokohan mo at matulog ka na. Wag mong kalimutan ilagay sa flashdrive yung ipapa-print mo for photography ha. Gorabels. Snooze up! Bonne nuit! Pray!