Thursday, June 2, 2011

DIVORCE SA PILIPINAS

IDGAF.
sino ba gustong maipasa yan? Kausapin nyo muna lahat ng mga batang may single parent at walang pares ng magulang sa bahay bago nyo sabihing gusto nyong maisabatas yang Divorce na yan.
Pakinggan nyo kung anong nararamdaman nila na makitang hindi buo ang pamilya nila. Susmaryosep. Ngayon ngang hindi pa nga naipapasa yung divorce, abot-abot na pangagaliwa ng mga lalaki eh. May mga babae na din. May mga nakaka apat nang panganay, nagffeeling muslim. Tapos magkakadivorce pa? WOOOW. Baka dumami mga taong may psychological incapacity dahil jan.



P.S. Patanggal nyo nadin yung "FAMILYDAY" sa mga schools pag naipasa yan. Hindi na kasi
FATHERMOTHERILOVEYOU. father, mother, where are you na.


</3 Ayokong maranasan ng ibang mga bata yung naranasan ko. Mahirap na may kulang na isang magulang sa tabi mo.Matagal ayusin at buuin ulit yung pamilyang minsan nang nasira. Mahirap na hindi sabihin sa mga taong nasasaktan ka na sa mga nangyayari sa pamilya mo.  Birthday nga pala ng daddy ko ngayon, wala pa sya eh. Pag natapos daw yung byahe ng truck uuwi sya. Happy Birthday Daddy.

No comments:

Post a Comment