Gusto kitang kausapin. Gusto kong malaman mo lahat ng nararamdaman ko, gusto ko ring linawin yung ilang mga bagay na alam kong malabo para sa'yo. Habang tumatagal kasi dumadami lang lalo yung mga dapat kong sabihin, naiipon kumbaga. lumalabo din lalo yung mga bagay na dapat sana nalinaw na. Napaka swerte ko nga siguro kasi may nagtyaga pag mag mahal sakin. Kasi kung tutuusin hindi ako yung tipo ng babae na malambing, na gugustuhin mo talagang mahalin. Wala sakin yung 90% ng girlfriend material na hinahanap ng mga lalaki.
Pero ikaw minahal mo pa din ako, as if na wala nang ibang babaeng makahihigit pa sakin. And I thank you for that. Ikaw pa lang yata yung sobrang naka appreciate sa akin ng ganito. Pero nahihirapan din kasi ako eh, oo mag iisang taon naman na since the last relationship I had, parang hindi pa talaga ko handang pumasok ulit sa relationship. Natatakot akong masaktan ulit, at higit dun mas natatakot akong masaktan kita. Natatakot akong hindi ko mapantayan yung pagmamahal mo. Sobra kasi talaga akong nasaktan. Tina-try ko namang kalimutan na lang lahat e. I'm trying hard to figure out how. Ayoko na din ng ganito, mahirap kasi talaga. Sobra. :| Alam kong naguguluhan ka na sakin. Naguguluhan ka na kung ano pa bang dapat gawin. Ako din gulung gulo na e. Kung pwede sana wag mo na muna kong ligawan, hindi naman ganung kahalaga yun e. Let's stay friends, or kahit kung ano na tayo ngayon.. let's please stay this way. let's not rush things, seventeen's still young naman diba, we havethe rest of our lives for love. Kung may magustuhan ka mang iba, go ahead. Hindi kita pipigilan, basta ba masaya ka eh. I'll accept it whole heartedly.
Eh bakit dito ko sinasabi, hindi sa'yo? duwag kasi ako. :( yun yung totoo.
No comments:
Post a Comment