Hindi ko inakalang ganun akong ka-importante sa kanila para sundan pa ko habang nag-uusap kami. At siguraduhing hindi ako uuwi ng umiiyak at mag-isa. at tawagan pa nila ko kahit may prublema rin yung isa kaya sila nag-iinuman, malaman lang kung anung nangyari at siguraduhin na okay ako.
Kung nakakataba yung pagmamahal, kahit hindi out of romance, malamang obese na ko. Sobrang ramdam ko na andyan sila para sakin, Sobrang ramdam ko na handa sila na makinig sakin. Pati yung mga taong hindi ko naman inakalang dadamay sakin sa ganitong sitwasyon, ayan sila ngayon, sinasabi pa sakin na basta kailangan ko sila, basta may prublema ako, pede akong lumapit sa kanila.
Iba pala talaga kapag kaibigan, iba talaga.
Parang naiintindihan ko nangayon kung pano nasabi ni labs na ang saya-saya ng puso nya kapag nakasakay kami sa bus ng magkakasama. Masaya pala talaga. and thank God He sent them to me. Thank God I met them.
No comments:
Post a Comment