*Eto yung pinass kong essay. Required kasi. Maho-hold daw clearance kapag di nagpass. Kaya ayan. Bahala na. Horror yung theme. Di ako convinced sa gawa kong yan. HAHAHA. Pinublish ko nalang din anyway. Di rin na proofread yan. :PP*
Ang nakakatakot
dito ay hindi yung mga lumilipad na paniking biglang nagiging baboy na may
sungay sa ilong at may tengang pakpak, o kaya yung tikbalang na tumatahol
habang gumagapang. Mas nakakatakot pa sa nanay mo kapag umuuwi ka nang madaling
araw ng walang paalam,(WAAAAH!! Juskupo!!) Oo, mas nakakatakot pa sa kanya at
sa girlfriend mo twing tatanungin ka nya kung may ibang babae ka ba.(pramis
ikaw lang cross my heart echos lang) Suspense talaga. Dahil ang nakakatakot,
nakakakilabot at nakakatindig-balahibong tinutukoy ko rito ay walang iba kundi,
ang SARILI MO.
Sabihin mo: Aysus! Ako?? Anong nakakatakot sakin?Corny mo ha.
Nadismaya
ka ba? Ano nga ba naman ang nakakatakot sa sarili mo, eh twing titingin ka nga
sa salamin feeling mo ikaw na ang pinaka magandang nilalang sa mundo at feeling
mo may pang walong araw na sinabi ng dyos na let there be perfection at bigla
ka na lang lumitaw sa kung saan. Ano nga bang nakakatakot sa’yo eh sabi sa’yo ng
seatmate mong binigyan mo ng papel eh ang bait-bait mo raw. Paano ko ba
nasabing nakakatakot ang sarili natin? Nababaliw na ba ako?
Noong tayo’y mga
munting bata pa tinuruan tayo ng ating mga magulang na matutong magbigay sa
kapwa, kahit gaanong kaliit pa ito, ang mahalaga’y naibahagi mo kung ano ang
mayroon ka. Daglian naman tayong susunod at bibigyan ng kendi ang kalaro natin.
Kasi idol natin si nanay at tatay kaya kung anu man ang sabihin nila sa atin ay
di tayo mag aatubiling gayahin. Ngunit habang tayo ay lumalaki, maraming iba’t
ibang klaseng tao tayong nakakasalamuha at maraming bagay ang nakakaapekto sa
ating mga paniniwala at pananaw sa buhay. Dati’y takot na takot tayo sa dilim,
takot tayo na baka may duguang kamay sa ilalim ng kama na hahatak sa paa natin
kapag wala tayo sa ilalim ng mahiwagang kumot o sa tabi ni super nanay.
Pakiramdam natin mayroong mga pulang mata sa bintana na nagmamasid sa bawat
galaw natin. Na pramis kros yor hart may naririnig ka talagang yabag ng mga paa
sa bubong sa kalalaliman ng gabi. Maraming magbabago at ang dating maliit
nating mundo ay lalawak. Malalaman nating wala naman talagang halimaw sa ilalim
ng kama at si muning lang pala yung naglalakad sa bubong, kasama nya yung mga
dabarkads nya may party sila. Hindi na rin natin kaylangan tumabi kay super
nanay, nagkukumot na lang tayo para hindi dumugin ng lamok. Maiisip nating
marahil dala ng pagkabata ang maraming kakila-kilabot na bagay na ito at pawing
likha lamang ng ating malilikot na imahinasyon. Ngayon hindi na natin hinahanap
yung mga nakakatakot na mga nilalang na iyon, madalas pa nga tinatakot na lang
rin natin ang mga sarili natin. Gumagawa na nga lang ng ikakatakot kumbaga.
Marami nang nagbago. Gusto na natin ang dilim dahil…hmm…(o wag mag-isip ng kung
ano) dahil dito pakiramdam natin payapa tayo. Mas masarap din mag.. emote sa
dilim. Yung turo din ni nanay at tatay kinalimutan na rin natin dahil hello ang
hirap ng buhay tapos mamimigay ka pa. Kanya-kanya na tayo no! Wala nang libre
sa mundo! Wala akong pakielam sainyo. Kanya-kanyang buhay tayo. Lumayo ka sakin
beggar wala akong pera pero may pang nood ako ng sine, eh kasi crush ko yung
bida. Hindi kita crush kaya shoo!
Dahil na rin sa
rami ng mga pagbabago hindi na rin natin nagkukubli na pala sa ating loob ang
nakakakakilabot na halimaw ng kasakiman at pagiging makasarili. Ito’y dahil
ikukubli nito ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga magagandang bagay na
hindi mo aakalaing instrumento na pala upang ika’y alipinin nito. Maraming tao
ang hindi pinapansin ang halimaw at hinahayaan pa itong mamuno sa kanilang
buhay. Simulan na natin kay klasmeyt na dahil sarili lamangang iniisip,
hahayaan nya na lang ang mga ka-grupo na halos magmuka nang zombie sa puyat at
mabaliw sa paggawa ng prajek habang sya pa petiks petiks ka lang sa bahay at
biglang susulpot na lang sa araw ng presentation. Ayus! Lusot! Isunod na rin
natin ang mga pupungas pungas na tanghali na bumangon tapos ang lakas ng loob
na sumingit sa pila samantalang ikaw alas kwatro pa lang paalis na ng bahay,
inabutan pa ng cut-off. Badtrip! Nagkalat sila at talagang
nakakatindig-balahibo. Nandiyan rin ang mga tambay sa kantong walang ibang
inisip kundi ang bisyo. Hanggang sa apat na sulok ng kwartong may halimaw na
sweldo lamang ang pinaka-aabangan. May mga mataas din ang antas ng pamumuhay.
At dahil sa halimaw ng kasakiman ay natutulak silang pagpapayaman na lamang ang
atupagin sa buhay. Magwawaldas na lamang rin sila ng datung kaysa ibahagi at
itulong sa mas nangagailangan. Oorder ng monster meal tapos magtitira ng marami
kasi sobrang nakakabusog daw. (edi sana yung regular meal nalang inorder mo no)
Magtataka ka rin kung bakit kung kaylang tag-ulan tsaka may project si kap na
gawin yung mga daang hindi pa naman kailangang ayusin. May mga natalo na ng
halimaw at naitulak na para gawan ng masama ang kapwa. Nagnakaw, at ang
pinakamalala’y kumitil ng buhay para sa sariling pangangailangan.
Bakit
nga ba? Bakit nga ba tayo natutuksong gumawa ng mga bagay na sarili lamang
natin ang makikinabang. Hindi ba natin naisip na marahil may epekto rin ito sa
ating sarili? Hindi ka ba natatakot na malauna’y sinisira ka na pala ng halimaw
ng kasakiman ng lingid sa iyong kaalaman? Masaya ka ba sa tinatamasa mo kung
alam mong bunga ito ng iyong pagiging makasarili? Mamulat ka at tumingin sa
iyong paligid. Baka nakasalubong mo na ang mga elemento ng kasakiman, o di
kaya’y nasa loob mo na rin ito at sinusubukan kang kontrolin. H’wag mong
maliitin ang kayang gawin nito dahil hindi man ito ang tipikal na nakakatakot
na nilalang, nakakatakot at hindi mo nanaisin ang kaya nitong gawin sa iyo at
sa ibang mga tao. Kumilos ka na, dahil
wala nang iba pang makatatalo rito kundi ang sarili mo lamang din. Kumilos ka
na, bago ka pa tuluyan nitong dalhin sa kadiliman.
No comments:
Post a Comment