Para sakin iba talaga pag surprise eh. Nakakatuwa yung mga mukha nila kapag nakikita yung effort mo para sa pag ssurprise, iba yung impact kesa dun sa alam mo na. Diba? Mas mapaparamdam mong special yung tao kapag surpresa. Kaya mahilig ako sa surpresa. Kahit sa surprize quiz. Dun ko din kasi narerealize na Shiiiiit, wala ba kong natutunan? LOL. :P Pero kahit mahilig ako mang surprise, wala pa yatang kahit once na may nang surprise sakin? Hahaha. Wala di ko maalala kung meron nga? Walang hilig sakin ang surpresa. Hindi lang siguro talaga ko ganung ka-valuable sa mga tao para ipag surpresa pa ko. Kawawang bata. Haha.
Dati ko pa gustong bumili nung malaking teddy bear na sabi ko itatabi ko lagi sa pag tulog. Yung malaki talaga ha mga 4feet tall. Ang foreveralone ko namann nun ngayon ko lang narealize. Haha, regaluhan ng teddybear ang sarili. Sana sa 18th birthday ko kahit wala namang party may mag regalo sakin nun. (mommy?:P) Hahaha. Kahit kanino galing. Matutuwa talaga ko pag ganun. Kaya nananawagan po ako sa developers ng www.blogger.com since nagregister tong post ko sa databse nyo eh alam nyo na yung wish ko hahalol XD satin satin lang. 18th birthday naman e. Haha ano bang special pag eighteen na?? Pwede ka nang makulong ganun? Hahaa. Ayun, basta kahit walang makaisip na mang surprise sakin for anything eh ito pa din yung way ko para maparamdam sa mga taong special sila para sakin.
Pero mababaw lang talaga ko, I just love surprises. Even the utmost, itsy-bitsiest effort excerted.
No comments:
Post a Comment