Wednesday, May 25, 2011

Huhugutin ko na lang sa plug yung saksakan ng PC.
(medyo di ko nagets)
Inaantok na kasi ko. \o/ ATLAST!
eh baka mawala yung antok kaya para insta-shutdown, hugutin na lang.
Natatawa ko sa blog ko, diary ba? haahaahahaha.

Bakit ba gising pa ko?

Ewan. Sabi ko kanina magppost ako ng video, images, at quotes ng Season finale Episode ng Glee. E waley, nakatanghod lang ako sa monitor. bralalalalalulalilalelelele.

Napakalutang ko. Angdami kong gustong sabihin, gustong gawin.

puro hanggang dun na lang. ANUBEH.

Monday, May 23, 2011

ULIT

Hindi pala ganun kadali umulit sa simula.
:(
Hindi ko pala alam kung pano magsimula ulit,
Nahihirapan ako  na magmahal ulit.
Bakit ba anghirap!
Nararamdaman ko namang mahal ko sya, pero bakit parang may pumipigil sakin na mahalin ko sya,
pano yun? pano ko ba kakalimutan na minsan na kong sinaktan, minsan na kong binalewala, minsan na kong pinag mukang tanga.
Bakit ba kahit tapos na tayo umuulit ulit pa rin sakin kung gaano mo ko sinaktan :(
Gusto ko nang mag simula ulit, Pero paano :(

Maroon 5's Press Conference for their concert at the SMX Convention Center










ADAM LEVINE <3

Dami kong pictures nila no? Syempre. may VIP Pass ako eh. InMyDreams. Hahaha. Ayan, drool over them gals. 
images taken from Oddysey.

Si Kapatid,

Si kapatid ni yogi my pet dog na si ling-ling. S'ya yung bida ng post ko na to. Kasi binalita sakin kanina lang ni kyot my b.o.a.t.b.f. (kami na nagkakaintindihan sa tawagang yun) na may blood parasite daw si ling. Parang Leukemia ang equivalent nun sa mga human na katulad mo. At katulad ko. The last time na makita ko si ling eh tinulungan ko paa si kyot na ibabysit sya. dahil di na talaga sya magkanda ugaga sa paag asikaso kung aanong gamot na ba ipapainom sa kanya o kung nilalagnat pa din ba o kung dadalhin na ba sa ospital.

Ramdam ko na mahal na mahal talaga nila si ling. To the point na maagang uuwi yung daddy nya para madala sya sa vet. clinic. At aabsent pa kinabukasan mommy nya para siya na mag-alaga kang ling. Nakakatuwang nakakatouch na nakakainis. Nasasaktan din kasi ako na makitang nahihirapan si ling eh. Naiisip ko din na what if kay yogi nangyarI yun, mahirap, nakakalungkot at nakakwindang. Dahil alam mong 50-50 yung chances na mabuhay nung dog. Nakakaawa talaga, almost blind na nga ata daw sya eh :'(. Kitang kita din sa kanya na nahihirapan na din sa sa kalagayan nya. Grabe, magssix months pa lang sila pareho ni yogi, tapos mauuna ba kaagad sya? Wag naman sana, magiging playmates pa sila eh. Nakakalungkot talaga. Nakakainisss. Alam ko kasi yung feeling na makita yung pinakamamahal mong pet na may sakit. Na hindi mo na alam gagawin mo para gumaling sila.

si kapati ni yogi na si ling yung nasa left, at si yogi yung nasa right.
2months old pa lang sila jan.

Ayoko na sanang magising,

echos lang yun syempre. :P
eh kasi tatlong beses ko na syang napapanaginipan. Sino ba namang hindi kikiligin dun. Syempre ako lang kikiligin. haha, apat na pala. Kasama na yung nung isang araw. The day before yesterday. KUHA MO? kidding, ayun nga. Positive at kakilig kilig talaga yung tatlong una. Di ko na halos maalala eh, yung pang-apat at latest na lang narerecall ko. Pero hindi positive </3 aww.

Ganito yun,
Bakasyon na sa panaginip ko. (bakasyon pa din naman kahit magising ako) tapos nasa some kind of a resort kami. Kamusta naman tag-lish ko. May dorm pa ng boys kaming pinuntahan pero walang tao. Kaya ko nasabing dorm ng mga boys kasi yun sabi nung kasama kong pumunta dun. Tapos, biglang nag-ring yung phone ko at sya yung tumatawag. Kinilig daw ako syempre. Tapos nagulat ako kasi ate nya pala.ayun kinausap ko. Kaya lang na-shock ako kasi parang sabi ng ate nya layuan ko daw sya, kasi nakakagulo ako sa pag-aaral nya. Na dapat mag-aral na lang daw muna. tsaka na yung "kami" Ganun yung thought eh. Pero hindi eksaktong ganun. (puro ganun)

Nagising na ko. That's it. That really is it. Bakit kaya? Nakakagulo nga kaya ko sa pag-aaral nya? de Bad Influence pa ko? homaysyomay. Yoko ng ganun. Tsaka, agree naman ako dun sa sabi ng panaginip ko na mag-aral muna. Agree talaga ko dun. di lang ako payag dun sa part na lalayo ako. Hmmm, ano. lumayo muna dapat ba talaga ko?

I am in misery, the silence is slowly killing me

I EXCITEDLY SANG WITH ADAM LEVINE AS THEY ROCKED THE SMX CONVENTION CENTER.THEY SOUND GOOD ON HEADPHONES AND SOUND A GAZILLION TIMES GREATER LIVE. OMG, THEY MADE THE CROWD GO CRAZY AND MY HEART SKIP A BEAT. THOSE GUYS REALLY ARE AMAZING AND I'M A LIVING WITNESS OF THEIR AWESOMENESS. I SWEAR THEY BROUGHT ME TO CLOUD-NINE! WHO WATCHED THEIR CONCERT LAST NIGHT? RAISE YOUR HANDS AND SING WITH ME! HAHAHA. \m/

that would've been my post IF ONLY I get to watch MAROON 5'S CONCERT.
maroon 5
maroon 5
maroon 5
maroon 5
maroon 5
MAROON 5
MAROON 5

fuck. I AM IN MISERY!!

"at one night only concert ng maroon 5, dinumog ng fans" sabi ni Vicky Morales ng Saksi.
TUMIGIL TAKBO NG MUNDO PAGKARINIG KO NUN. MUNTIK PA KO MAIYAK.
kada advertisement eh grabe daig ko pa nanood ng drama. Yung feeling talaga grrabe.
hahaha, ang arte ko. ang arte arte talaga. Eh anong magagawa ko, alam nyo naman siguro kung ano yung feeling na concert ng NUMBER1 FAVORITE BOYBAND mo, pero hindi ka makakanood. Sakit </3 nakakadurog ng puso. Sinabi ko pa dati na kapag nagpunta at nagconcert dito ang Maroon5, kaylangan makanood ako. *INSERTSADFACE* tara, pag usapan natin kung bakit hindi ako nakanood, para masaktan lalo ako,

Kasi ganito yun. Yung pera na supposed to be pambili ng bronze or silver ticket na binigay ng aking pudang(daddy) eh hindi ko ibinili ng ticket. Grabe mejo nashock pa nga ko kasi pinayagan nya ko manood kahit ni singkong banlag, ay duling pala, eh wala akong dinagdag. Ang tanging concern nya lang eh kung sino makakasama ko manood. I'm telling you, isang napakalaking himala na yon. Ayun nasakin na yung pera. Pero naconfuse ako. Dahil naisip ko, madami akong pwedeng bilhin sa perang yun. Tutal kako standing naman na sa Silver at Bronze. Ade ayun nag Divisoriaa pamandin kami ni mudang(mommy) kinabukasan. Patayy. Alam na! Paguwi eh ang sunod na inisip na namin ni mudang kung pano hindi maaalala o malaman ni daddy na hindi na ko manonood ng concert. *evilgrin* haha, kasabwat ko si mudang. Lagi naman eh. Partners in crime ba. Ayun, pag nanonood si daddy nililipat ko ng channel kasi baka biglang yung advertisemet ng concert nila bumulaga sa kanya ede kalaboso kami ni mudang, hindi din ako nagpapatugtog ng mg kanta nila kapag nasa paligid si pudang, baka maalala kasi e. *evilgrinulit* haha ulit. ang sama ko ba? Ayun. The rest is bitterness. haha ulit. paulit-ulit. Sawang sawa na mga kaibigaan ko kakapaalalang malapit na ang concert ng Maroon 5, at hindi ako makakanood. Kahit ako nasawa na kakapaalala sa sarili kong hindi ko mapapanood yung favorite boy band ko eh.

Nabalitaan ko pang tanging mararangyang point-and-shoot cameras lang ang allowed sa concert nila. Eh dukhang digital camera lang ang meron ako. De hindi ko pa sila mapipikchuran kung nagkataon. Tanging laway lang at sariling mata ko lang maipapasalubong ko pauwi. (pampalubag loob)

ONE DAY I'LL MEET THOSE GUYS. ITAGA MO SA PINAKAMALAPIT NA BATO SA'YO. DALI! ITAGA MO! AT MAY POINT AND SHOOT CAM NA DIN AKO SA "ONE DAY" NA YUN! SARILING PERA KO NA MAGDADALA SAKIN SA KANILA.


P.S. Nagpplay yung Sunday Morning habang nagttype ako. Para mapulbos na yung puso ko. LELS :D

Sunday, May 22, 2011

Blog Title: The Underside of Smiling

The Underside of smiling. How did I come up with that title?

I'm a very bubbly type of gal. You'll rarely see me cry, or tell everyone the problems I'm in to.
Makulit I think is the perfect description for me. And maybe if you'll ask every single friend I have, they'll be describing me with that word. I'm the one you are most likely to see laughing at the group, and the one who'll gladly smile even to strangers.

And do you know what's the underside of smiling? It's that they presume you're always okay.  That they can disregard your feelings all they want 'cause you won't be hurt anyway. There will be times when you try to say something serious and they won't find it serious.  People think your life is problem-free 'cause you smile, laugh, throw jokes, most of the time. They care less 'cause they see you as someone invincible.

And worse.. when there came those times when you needed someone to hold on to, you'll just find yourself alone in dismay.

That is why I decided to have the title: The Underside of Smiling, 'cause smiles don't bring the positive side out always. It sometimes make you hide all the pain inside.

Ituloy natin yung naudlot na kwento..

Bakit nga ba ko gumawa ng blog dito? Eh may tumblr account naman ako.
Kasi feeling ko mas private dito. Hahaha. kalokohang private. Nasa web eh tapos private? :P
Private in the sense na completely stranger ako sa lahat dito. Unless stalker ka. Alam na kasi ng mga common friends ko yung tumblr account ko. Infairess mejo nachallenge ako dito kasi yug layout ko mukang ewan. ayoko pa naman nun. Sana lang magaling ako sa HTML eh hindi naman. Sucks for me.


Dito maikkwento ko lahat ng gusto kong ikwento. Walang Hesitation. Masasabi ko lahat ng gusto kong sabihin ng hindi pinupuna ng lahat. Walang nakasunod sa bawat post ko na nakikita yung mga kalokohan ng buhay ko.


Gusto ko lang maexpress yung mga bagay na wala na kong panahong maiexpress pa sa iba. Yung mga emosyon na alam mo at alam ko na kapag pinakita natin sa iba huhusgahan kaagad tayo. Yung mga bagay na takot akong iexpress.


Bawat post ko dito, nagrereflect sa katangian ko. At aware ako na pwedeng one day may makakita netong hide-out ko. That's life. well in fact I can't keep this forever.


Just enjoy or be bored with whatever in here. :)

Saturday, May 21, 2011

So I started this blog..

Just because..
Teka. Late naaa. Kaylangan matulog maaga. Can't be late for tomorrow's mass.
I'll tell ya tomorrow. :)

IGOTTASLEEPFORNOW.