Monday, May 23, 2011

I am in misery, the silence is slowly killing me

I EXCITEDLY SANG WITH ADAM LEVINE AS THEY ROCKED THE SMX CONVENTION CENTER.THEY SOUND GOOD ON HEADPHONES AND SOUND A GAZILLION TIMES GREATER LIVE. OMG, THEY MADE THE CROWD GO CRAZY AND MY HEART SKIP A BEAT. THOSE GUYS REALLY ARE AMAZING AND I'M A LIVING WITNESS OF THEIR AWESOMENESS. I SWEAR THEY BROUGHT ME TO CLOUD-NINE! WHO WATCHED THEIR CONCERT LAST NIGHT? RAISE YOUR HANDS AND SING WITH ME! HAHAHA. \m/

that would've been my post IF ONLY I get to watch MAROON 5'S CONCERT.
maroon 5
maroon 5
maroon 5
maroon 5
maroon 5
MAROON 5
MAROON 5

fuck. I AM IN MISERY!!

"at one night only concert ng maroon 5, dinumog ng fans" sabi ni Vicky Morales ng Saksi.
TUMIGIL TAKBO NG MUNDO PAGKARINIG KO NUN. MUNTIK PA KO MAIYAK.
kada advertisement eh grabe daig ko pa nanood ng drama. Yung feeling talaga grrabe.
hahaha, ang arte ko. ang arte arte talaga. Eh anong magagawa ko, alam nyo naman siguro kung ano yung feeling na concert ng NUMBER1 FAVORITE BOYBAND mo, pero hindi ka makakanood. Sakit </3 nakakadurog ng puso. Sinabi ko pa dati na kapag nagpunta at nagconcert dito ang Maroon5, kaylangan makanood ako. *INSERTSADFACE* tara, pag usapan natin kung bakit hindi ako nakanood, para masaktan lalo ako,

Kasi ganito yun. Yung pera na supposed to be pambili ng bronze or silver ticket na binigay ng aking pudang(daddy) eh hindi ko ibinili ng ticket. Grabe mejo nashock pa nga ko kasi pinayagan nya ko manood kahit ni singkong banlag, ay duling pala, eh wala akong dinagdag. Ang tanging concern nya lang eh kung sino makakasama ko manood. I'm telling you, isang napakalaking himala na yon. Ayun nasakin na yung pera. Pero naconfuse ako. Dahil naisip ko, madami akong pwedeng bilhin sa perang yun. Tutal kako standing naman na sa Silver at Bronze. Ade ayun nag Divisoriaa pamandin kami ni mudang(mommy) kinabukasan. Patayy. Alam na! Paguwi eh ang sunod na inisip na namin ni mudang kung pano hindi maaalala o malaman ni daddy na hindi na ko manonood ng concert. *evilgrin* haha, kasabwat ko si mudang. Lagi naman eh. Partners in crime ba. Ayun, pag nanonood si daddy nililipat ko ng channel kasi baka biglang yung advertisemet ng concert nila bumulaga sa kanya ede kalaboso kami ni mudang, hindi din ako nagpapatugtog ng mg kanta nila kapag nasa paligid si pudang, baka maalala kasi e. *evilgrinulit* haha ulit. ang sama ko ba? Ayun. The rest is bitterness. haha ulit. paulit-ulit. Sawang sawa na mga kaibigaan ko kakapaalalang malapit na ang concert ng Maroon 5, at hindi ako makakanood. Kahit ako nasawa na kakapaalala sa sarili kong hindi ko mapapanood yung favorite boy band ko eh.

Nabalitaan ko pang tanging mararangyang point-and-shoot cameras lang ang allowed sa concert nila. Eh dukhang digital camera lang ang meron ako. De hindi ko pa sila mapipikchuran kung nagkataon. Tanging laway lang at sariling mata ko lang maipapasalubong ko pauwi. (pampalubag loob)

ONE DAY I'LL MEET THOSE GUYS. ITAGA MO SA PINAKAMALAPIT NA BATO SA'YO. DALI! ITAGA MO! AT MAY POINT AND SHOOT CAM NA DIN AKO SA "ONE DAY" NA YUN! SARILING PERA KO NA MAGDADALA SAKIN SA KANILA.


P.S. Nagpplay yung Sunday Morning habang nagttype ako. Para mapulbos na yung puso ko. LELS :D

No comments:

Post a Comment