Almost Lover - A Fine Frenzy
"Goodbye my almost lover, goodbye my hopeless dreams
I'm trying not to think about you. why can't you just let me be? So long my luckless romance, my back has turned on you. Should've known you'd bring me heartache. Almost lovers always do."
Almost lover nanaman ang drama ko, pangalawang beses na to. I let love slip away from me again. Ako naman talaga yung prublema eh. simula pa lang ako na talaga yung prublema..
I got all my hopes up na maayos kung anu man yung mga nagawa kong mali dati, na konti na lang may tao na ulit na anjan para sakin no matter what. Na may matatawag na kong my better half. Isip pa ko ng isip kung pano ko mkakabawi after all the stupid things I've done to you. alam mo ba gusto ko pa sanang 8 yung maging monthsary natin para ∞ infinity sya pag horizontal. o kaya 28, para "to ∞. to infinity" yung meaning nya.. tapos gusto ko maaalala mo ko lagi kapag di tayo magkasama. mgddoodle ako sa books mo tapos mgagalit ka ng konti kasi baka mapagalitan ka ng prof mo pero mata-touch ka syempre. Tapos sabi mo sakin dati diba gusto mong maipakilala ko sa mga kaibigan at barkada mo bilang girlfriend mo. Sabi ko tototohanin natin yun. Hindi na ko maiilang sa'yo. Sasagutin ko na mga tawag mo, rereplyan kita ng mas mabilis kesa sa iba. Sisiguraduhin ko din na masulit yung tatlong oras mong paghihintay na matapos klase namin. Naiimagine ko nga din na may couple shirt tayo eh. yung hindi corny. hahaha. tapos pag vacant natin parehas magkikita tayo sa school. Masaya ka, masaya ako, masaya tayo ng magkasama. Babawi ako sa'yo kasi maraming beses na kitang nasaktan dahil manhid ako. Oo may pagkukulang ka din, pero sige ako nang bahal dun sa iba. Tulungan naman diba. All this time ikaw yung nanjan para sakin pero anung ginawa ko? palagi kitag tinataboy palayo. Stupid me.
Ang sarap isipin no? Kaso dahil duwag ako wala na. Malabo pa sa mata mo yung possibility na magkatotoo yan. Hindi mo man sabihin sakin directly, alam kong napagod ka nang kahihintay at pag-intindi sakin. Sabi mo sakin sumuko ka na diba? Okay lang. Hindi ako galit sayo. Galit ako sa sarili ko. eto nanaman eh? Kung kelang wala na tsaka ako nagkakaganito.
Mali ba yung ginawa ko? Oo.
:( hindi ko rin alam kung bakit ako ganito eh. Tanginaaa. Mentras minamahal ko ba talagang lalong mawawala sakin? Ba't ganun? Ano na gagawin ko ngayon? :((
Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo agad-agad na mahal kita. Konti na lang, in less than a month manlang sana eh. Kaya ko na siguro nun. Gusto ko unti-untiin na lahat na magkatotoo yang mga sinabi ko the moment I said Iloveyou..
Pero, mahal mo pa ba ko?
:(
Worse, Have you found somebody else?
Ano nang gagawin ko ngayon. :( Magmumukmok na lang ako? I can't fight back. At alam kong ngayon we're like total strangers again. Kasi sabi mo naiilang ka nang lumapit sakin..
Bigla kang humindi the night before na mag-uusap dapat tayo. dammit. Excited ako alam mo ba yun? Sunday pa lang iniisip ko na yung damit na susuot ko for wednesday eh mag-uusap lang naman tayo. Monday and Tuesday came, halos mabali na ulo ko kaka lingon sa paligid. Nagbabakasakaling makita ka. Umuwi ako ng super excited that Tuesday night, Sabi ko pa nga sa mommy ko medyo gagabihin ako kasi may "project". Nagkataon namang Ash Wednesday pala kinabukasan. I thought of asking you na magsimba just like last year. Kaso dahil nga 6pm pa dismissal namin sabi mo nextime na lang, kasi magsisimba ka. Nag-cut ako ng class that wednesday. 4-6. May quiz pa nga eh, pero nagbabaka-sakali kasi ako na wala kang kasamang magsimba tas ayain mo ko. Kaso hindi eh. Sobrang lungkot ko nun alam mo ba yon? noon mo pa lang nagawa sakin yung ganun. Pero hindi ako galit, nasasaktan lang. Kahit naman daanan mo pa ko ng may ka-holding hands ka di ako magagalit sa'yo eh. Masasaktan lang ako ng sobra. Dahil alam kong kasalanan ko din kung bakit ko nakita yun.
Gagawin mo ba yun?
:(
Makikita ba kitang masaya kasama ng iba?
I'll be happy for you if ever you'd find someone who'll appreciate your worth more than what I have. But I won't be happy for myself. No I can't.
May kasama kang magsimba that Ash Wednesday kaya humindi ka sakin. Nakita ka pa nga ng mga kaklase ko diba? Sabi mo yan sakin eh. Sabi mo sakin naiilang ka nang lumapit sakin. Totoo ba yun? O talagang ayaw mo na kong makita? Edi behind my back iisipin nila kawawa ako? o angsama mo dahil may kasama kang iba? Sige maawa na sila sakin pero wag sana nilang isiping kasalanan mo kung bakit may kasama kang iba.Kasalanan ko yun. :(
Ang sakit malaman. Pero atleast sa'yo ko mismo nalaman. Kung gusto mo sya okay lang. Wag ka lang nyang sasaktan. :(
Sorry kung hindi kita ipaglalaban. :( hindi kita pedeng bawiin dahil hindi ka naman naging akin.
Can I love you from afar?
- Athena, She's dating the gangster
Siguro tulad ng sports, hindi talaga siguro para sakin ang love. Para ding sports, pagod na nga, talunan pa. Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko after this. And if all else fails..
I'll just love you from afar.. :(
No comments:
Post a Comment