Monday, December 26, 2011

WHO'S THAT GIRL? IT'S JESS!






all gifs from this uhmeyzing blog: whosthatgirl-itsjess.tumblr.com

Those were some of the lines I loved from tiger boobs-Jess, played by the gorgeous Zooey Deschanel.
I got really hooked with this comedy series!! 
It never failed to keep me laughing every single time I watch it.

WHY I LOVE WATCHING NEW GIRL:
1. Maybe, 'cause Jess and I both got cheated on. HAHA, but no I won't go out and find a REBOUND. 'cuz I'm gonna find trueeelove.
2. She's not afraid to show her true self to everybody. Though she's that weirdo-nerdy type of gal.
3. I love seeing how Jess and Cece have that perfect bond as besties.
4. And her funny roommates,

 SCHMIDT, played by Max Greenfield





LeBron. I mean, WINSTON, played by Lamorne Morris

 



and NICK, played by  Jake Johnson





5. Especially him :">
watch New Girl on Fox, Tuesdays at 9pm. ETC, Fridays at 8pm.

:))

-.-"

     Gusto kitang kausapin. Gusto kong malaman mo lahat ng nararamdaman ko, gusto ko ring linawin yung ilang mga bagay na alam kong malabo para sa'yo. Habang tumatagal kasi dumadami lang lalo yung mga dapat kong sabihin, naiipon kumbaga. lumalabo din lalo yung mga bagay na dapat sana nalinaw na. Napaka swerte ko nga siguro kasi may nagtyaga pag mag mahal sakin. Kasi kung tutuusin hindi ako yung tipo ng babae na malambing, na gugustuhin mo talagang mahalin. Wala sakin yung 90% ng girlfriend material na hinahanap ng mga lalaki.  
      Pero ikaw minahal mo pa din ako, as if na wala nang ibang babaeng makahihigit pa sakin. And I thank you for that. Ikaw pa lang yata yung sobrang naka appreciate sa akin ng ganito. Pero nahihirapan din kasi ako eh, oo mag iisang taon naman na since the last relationship I had, parang hindi pa talaga ko handang pumasok ulit sa relationship. Natatakot akong masaktan ulit, at higit dun mas natatakot akong masaktan kita. Natatakot akong hindi ko mapantayan yung pagmamahal mo. Sobra kasi talaga akong nasaktan. Tina-try ko namang kalimutan na lang lahat e. I'm trying hard to figure out how. Ayoko na din ng ganito, mahirap kasi talaga. Sobra. :| Alam kong naguguluhan ka na sakin. Naguguluhan ka na kung ano pa bang dapat gawin. Ako din gulung gulo na e. Kung pwede sana wag mo na muna kong ligawan, hindi naman ganung kahalaga yun e. Let's stay friends, or kahit kung ano na tayo ngayon.. let's please stay this way. let's not rush things, seventeen's still young naman diba, we havethe rest of our lives for love. Kung may magustuhan ka mang iba, go ahead. Hindi kita pipigilan, basta ba masaya ka eh. I'll accept it whole heartedly.


     Eh bakit dito ko sinasabi, hindi sa'yo? duwag kasi ako. :( yun yung totoo.
Bakit pag sa TV ang saya-saya ng mga Noche Buena? Ba't di ko ramdam?

Sunday, December 25, 2011

And so I had my merry li'l Christmas..

       I thought Christmas will screw up. My brother and I had a little fight with mom on Christmas eve. That really made me sad, 'cause it'll be our first Christmas without dad, and the past days were restless. I'm trying hard to keep the Christmas spirit, but things just kept on ruining it.
     
Our little fight:
      Mom's dead tired, 'cause she haven't took a good rest for days and she even finished the laundry. My brother just kept on facing the computer, and seemed not to hear her asking him to hang the clothes up. She got so annoyed and I think her anger was triggered by the fact that dad's not here. And that she missed him. Yogi(our dog) ran out of the house. (he loves doing that). Mom of course got really, really mad. We chased him around the neighborhood, and he nearly got killed by other dogs.My brother got upset, yelled damn hard on me.Of course I ran fast and luckily got yogi. On our way home, mom just kept on scolding us. Yes, US. It sucks 'cause I made a way just to be home before the mass, though we have rehearsals. I'm soooo tired. I even helped my brother hang the clothes. Then she'll just say that it seemed we don't care for her at all? >..< daaaaaaaaaaamn.


      I attended the Christmas eve mass as always. I'm a choir member in our parish and we happen to be the assigned choir to sing for Christmas eve. It's great, and feels good 'cause I know a lot of people in our parish doesn't believe in our singing. and now we have that chance to prove them wrong. well anyway we sing not for their pleasure, but for Jesus'! I came in a bad mood, I kinda faked smiles so they won't have to ask why I have that mood. Had noche buena with friends, and went home. Slept. woke Up. Prepared food..

and the rest were blah blahs.
Moving on is simple, it's what you leave behind that makes it so difficult.

Wednesday, December 14, 2011

Untitled

Masaya sana kung may isang taong alam mong nandyan sa tabi mo kahit anong mangyari.
Yung alam mong hindi ka iiwan. Yung nandyan para damayan ka kapag malungkot ka, tawanan at itama ka sa mga pagkakamali mo. Yung taong alam mong hindi ka pababayaan. Yung 'kayo' o hindi, handang alagaan ka. Yung sisiguraduhing masaya ka sa piling nya.
Ang sarap siguro sa pakiramdam ng ganun, at mas masaya siguro lalo kung ikaw yun.

Saturday, December 10, 2011

HAPPY BIRTHDAY KO DAW.

Something's missing. I dunno what exactly that is. But I just don't feel happy now. No I really don't. Today's my day. and I feel absolutely nothing special about it. Gotta Sleep. My class starts in Eight hours. Still have to sleep. Adios! I miss daddy.

Wednesday, November 30, 2011

THE GOODBYE

 I HATE GOODBYES. I HATE HOW PEOPLE WALK AWAY AND LEAVE YOU.



 I never knew it's going to be this hard. Thinking that daddy will be leaving hurts so much. How much more if he's actually gone? Now I understand those teens who's parents are going abroad for work. It feels like a part of you is missing. You feel incomplete. You feel asdfghjklqwerty! get it?

I'm trying to be tough. I can't just fall apart. I have to hide every trace of sadness. I have the need to be strong for us who'll be left behind. But inside? I'm just dying. I'm dying to beg him to just please don't go. But I know that's too childish. 'cause I completely understand why did he have to leave.

It's for us.

So we celebrated this mass at 4pm, with Fr. ----- (a family friend). I was really touched 'cause my parents just seem to be so special to him that he didn't mind if he had to celebrate the mass at our house. It fed our hungry souls with God's blessings. And when the Ama Namin was prayed ( Ama Namin - a prayer/song of giving thanks, asking grace from God, and asking for repentance. Prayed/sang by roman Catholics while everyone had to hold each others hand) dad held my hand, and it felt warm. So lovingly warm that my heart's melting and I had teary eyes. I had to hide those tears from them so again I thought of happy things to keep myself composed. But you know what? that hand never felt that warm to me. Not until that moment. Those hands that picked me up when I fall down, those hands that tried to his guts to fix things, those hands that slapped my butt to discipline me.  It felt really bad. I don't want to let go of his hand. I wish time would stop.

I'm not the sweetest daughter, but I love seeing our family together. Laughing, doing funny things, joking around makes me feel that I have the most beautiful treasure of life. I need them to keep me going. I need to see mom cooking food, my little sister raiding my bag for lip gloss, my brother bugging me, and dad scolding me. Those little things make my effin life happier. And knowing dad won't be there to scold me, (owwwww. mom for sure shouts louder, scolds me longer, like for hours?) It's just sad. very sad.


And so I pray God will keep my dad safe abroad and to every loving father abroad. I pray God's gonna be with him through tough times. I pray to God we'll be tougher, tough enough to keep burglars away. I pray God will give us back the good in goodbyes. I pray God will keep our family together. I have a huge faith to you Papa Jesus, and I owe You big time.<3


In the end, I still don't see the GOOD in GOODBYE.
P.S. I LOVE YOU DAD,

Tuesday, September 13, 2011

nagkulang ba ko? o umabuso ka lang talaga?



"Last chance na, please. Kundi, magpapakamatay ako :("
-sabi nya.

"Tama na, ayoko na, ilang beses na kitang binibigyan ng chance"
-sabi ko.

"Please wag mong sasaktan ag sarili mo!"
-pahabol na sagot ko


   Hindi ko inakalang dadating kami sa ganyang punto, na tipong buhay na nya yung kapalit ng pagmamahal ko. Kung siguro sa iba nakaka-touch yung ganyan, para sa akin, hindi. Dahil nakakatakot, di ko alam kung ano bang gagawin ko. After all those sacrifices ako pa naiipit sa huli. Bakit? Bakit ako naiipit? kahit may choice naman ako? Kasi mahalaga sya sakin. Di ko maimagine yung sarili ko na naka itim at pupunta sa burol na mahalagang tao sakin yung pinaglalamayan

   Oo masasabi kong hindi ko na nga yata sya mahal pero hindi ibig sabihin wala na kong pakialam sa kanya. Hindi ibig sabihin hahayaan ko na lang syang maging miserable nang dahil lang sakin. hindi. Ayoko ng ganun. Alam kong kahit sobra nya kong nasaktan, mahal nya ko. Alam ko yung nararamdaman nyang takot na baka wala nang magmahal sa kanya na tulad nung pagmamahal ko sa kanya. Na baka ako lang yung may kayang tanggapin yung buong pagkatao nya. Sabik sya na makaramdam ng totoong pagmamahal, alam kong kailangan nya ko. Alam ko yun.

  Mali pa ba ko? na isipin ko naman yung ikasasaya ko kesa sa kapakanan nya? na itigil ko nang mag sacrifice para sa kanya? na iconsider ko naman ngayon yung sarili ko sa pag gawa ng desisyon? Mali ba? Kulang pa ba yung mga "last chance" na ilang beses ko nang binigay sa kanya?



lahat ng tanong na yan, kahit ako, hindi ko alam ang mga kasagutan.

Friday, September 2, 2011

MAKULAY ANG BUHAY.

DEAR FUTURE BOYFRIEND

Kelan ka ba dadating? Bukas? Sa isang araw? Next Week? Sa susunod na Leap Year? o di ka na dadating? Malay ko?

Hindi naman ako nagmamadali eh.

Intindihin mo na lang sana kung mabagal ako makakareply sa mga texts mo, pinakamabilis na yung iyo. suwear. Maniwala ka man o hindi.

Minsan selosa talaga ko. Pero ayus lang yan. Lalambingin mo naman ako diba? Kung hindi e bahala ka. Mag sama kayo ng babae mo. Haha, choslang. Lahat naman kayo tumitingin sa ibang chicks.
Madalas hindi ako makatulog sa gabi. Hindi naman ako magtatampo kung hindi ka uwak tulad ko. Pero maappreciate ko to the highest level kung dadamayan mo ko. Dalawa na tayong uwak. Saya diba.

MAKULIT AKO. SOBRA.

Wag kang masyadong serious ha. Tatanda tayo kagad. Tapos pag tumanda tayo kagad mas maaga tayo made-deads. magkakahiwalay agad tayo. gusto mo ba yon?

Wag kang mag expect na makikiuso ako sa mg PDA. sapakan live pwede pa. >:D Haha. Kidding. Medyo magiging mabait ako sa’yo future boyfriend. Ikaw din ha?
Naku kahit idikit mo ko sa sangkatutak na kalalakihan eh pag nagpa cute ako wag kang maniwala. Kasi yung totoo ikaw lang naman talaga mahal ko.

Magpipicnic tayo. Ok? :) masaya yon. Para maiba naman.

Hindi ako pang rampang girlfriend. Pasensya ka. Hindi ako maganda eh. Eh wala kong pake kung hindi ako maganda, hahaha. I’m telling you. Unicorn ang girlfriend mo. Deal with her, or die.
Mahilig ako sa surprise. Either ako yung mangsurprise o ikaw? Basta.

Pagka dumating ka sana ikaw na huli. ayoko na masaktan o makasakit. Tama na yung isa.
Siguro bago pa kita maging boyfriend eh napakilala na kita kay mudang at pudang, o kahit kay mudang manlang. Kasi kung hindi? Malabo. Baka maging foreveralone ako dahil sa hindi nila nakilala yung mahal ko.

Basta pagdating mo, gusto ko handa na ulit ako masaktan. Para hindi ako sumuko kaagad kahit madami pa tayong maging away. Tapos, Wag ka lang magsisinungaling talaga sakin. Dyan tayo magkakatalo-talo. Sabihin mo na lang yung totoo kahit masaktan mo pa ko.

Wag mo kong isusuko kung mag-away man tayo ha.

Mamahalin kita sa paraang alam ko. Di kita pagbabawalang gawin mga gusto mo. Di kita pipiliting baguhin para sa ikasasaya ko. hindi rin kita pagbabawalang maging close sa iba.

Sana hindi ka nagmamadali, kasi kung nagmamadali ka eh mauna ka na. See you nextime. >:) Ayokong madaliin ang buhay. Ayoko nang magsimula ng relasyong walang kabagay bagay at alam kong walang patutunguhan. Enjoy muna. 16 pa nga lang ako eh. Ikaw ba?

hihintayin kita future boyfriend. <3

nagoyo ako siyet

I FEEL LIKE I WAS BETRAYED.
http://www.secret-loves.com



Butterflies in your stomach when you catch sight of that special someone? Is it an never ending love story ? Will it work out or will it be just another futile attempt? Before you pop the all important "I love you", use our Crush Calculator to find out if he or she is The One!

yaaaaaaaaaaaaaan kase, careless. mega type pa ko ng names. dang. natatawa ko. ewan. nahihiya ako sa kalokohan ko. grabehaaaaan idunnowhatshouldifreakingdo.


kalma. kalma. kalma.


ok. may tiwala naman ako dun sa taong yun. neburrmind.

Wednesday, June 29, 2011

mas pipilii kong ako nalang yung nasasaktan kesa alam kong nakakasakit ako. :(

Thursday, June 2, 2011

DIVORCE SA PILIPINAS

IDGAF.
sino ba gustong maipasa yan? Kausapin nyo muna lahat ng mga batang may single parent at walang pares ng magulang sa bahay bago nyo sabihing gusto nyong maisabatas yang Divorce na yan.
Pakinggan nyo kung anong nararamdaman nila na makitang hindi buo ang pamilya nila. Susmaryosep. Ngayon ngang hindi pa nga naipapasa yung divorce, abot-abot na pangagaliwa ng mga lalaki eh. May mga babae na din. May mga nakaka apat nang panganay, nagffeeling muslim. Tapos magkakadivorce pa? WOOOW. Baka dumami mga taong may psychological incapacity dahil jan.



P.S. Patanggal nyo nadin yung "FAMILYDAY" sa mga schools pag naipasa yan. Hindi na kasi
FATHERMOTHERILOVEYOU. father, mother, where are you na.


</3 Ayokong maranasan ng ibang mga bata yung naranasan ko. Mahirap na may kulang na isang magulang sa tabi mo.Matagal ayusin at buuin ulit yung pamilyang minsan nang nasira. Mahirap na hindi sabihin sa mga taong nasasaktan ka na sa mga nangyayari sa pamilya mo.  Birthday nga pala ng daddy ko ngayon, wala pa sya eh. Pag natapos daw yung byahe ng truck uuwi sya. Happy Birthday Daddy.

Think twice before saying that three special words to someone..

'Cause it will either make you, or break you.
I have no regrets telling him that I do love him,

'cause that's what I really felt during those moments
but now I wanted to sort out my feelings. I've got to be a hundred-and-ten percent sure for my love to him. 'cause I can't afford to hurt him.
He doesn't deserve to be treated like this. His love's too much for someone like me. Someone who's never been appreciated. It pains me to know that he think his love wasn't good enough for me.
I WASN'T YOUR FAULT, IT WAS MINE.


I felt like I'm a horrible bitch :(
I THINK I LOVE YOU. BUT LET ME FIX MYSELF FIRST.

Wednesday, June 1, 2011

Underside of smiling #1

You'll have a hard time telling people what you really feel.

Ano ba ang nauna? Malandi o nagpapalandi?

 Grabe. Bakit ba ang daming malandi. Oo sila yung nagbibigay ng spice sa isang relasyon kasi nasusubok parehas yung boy at girl dahil sa malandi, pero pag lagi na? tsaka yung wala nang pinipiling tao. Eww na. Obvious na kasing wala silang balak seryosohin mga tao eh. I'm very much curious kung ano bang nasa isip nila, kung ano bang dahilan nila bakit wala silang sineseryosong tao. Bakit ganun? Hindi ba nila alam na nakakasakit sila? Kasalanan ba ng malandi? o ng nagpapalandi? Ewan ko din sa mga nilalandi ng malandi eh may katangahan din. Kaya nga tayo may human instinct eh. Para maramdaman natin kung tama ba yung nangyayari sa paligid natin. Yung mga nagpapalandi hindi ba nila alam na pinapaasa lang sila ng malandi? Tanga ba? Nagpapakatanga?

Whteva flirts.

Wednesday, May 25, 2011

Huhugutin ko na lang sa plug yung saksakan ng PC.
(medyo di ko nagets)
Inaantok na kasi ko. \o/ ATLAST!
eh baka mawala yung antok kaya para insta-shutdown, hugutin na lang.
Natatawa ko sa blog ko, diary ba? haahaahahaha.

Bakit ba gising pa ko?

Ewan. Sabi ko kanina magppost ako ng video, images, at quotes ng Season finale Episode ng Glee. E waley, nakatanghod lang ako sa monitor. bralalalalalulalilalelelele.

Napakalutang ko. Angdami kong gustong sabihin, gustong gawin.

puro hanggang dun na lang. ANUBEH.

Monday, May 23, 2011

ULIT

Hindi pala ganun kadali umulit sa simula.
:(
Hindi ko pala alam kung pano magsimula ulit,
Nahihirapan ako  na magmahal ulit.
Bakit ba anghirap!
Nararamdaman ko namang mahal ko sya, pero bakit parang may pumipigil sakin na mahalin ko sya,
pano yun? pano ko ba kakalimutan na minsan na kong sinaktan, minsan na kong binalewala, minsan na kong pinag mukang tanga.
Bakit ba kahit tapos na tayo umuulit ulit pa rin sakin kung gaano mo ko sinaktan :(
Gusto ko nang mag simula ulit, Pero paano :(

Maroon 5's Press Conference for their concert at the SMX Convention Center










ADAM LEVINE <3

Dami kong pictures nila no? Syempre. may VIP Pass ako eh. InMyDreams. Hahaha. Ayan, drool over them gals. 
images taken from Oddysey.

Si Kapatid,

Si kapatid ni yogi my pet dog na si ling-ling. S'ya yung bida ng post ko na to. Kasi binalita sakin kanina lang ni kyot my b.o.a.t.b.f. (kami na nagkakaintindihan sa tawagang yun) na may blood parasite daw si ling. Parang Leukemia ang equivalent nun sa mga human na katulad mo. At katulad ko. The last time na makita ko si ling eh tinulungan ko paa si kyot na ibabysit sya. dahil di na talaga sya magkanda ugaga sa paag asikaso kung aanong gamot na ba ipapainom sa kanya o kung nilalagnat pa din ba o kung dadalhin na ba sa ospital.

Ramdam ko na mahal na mahal talaga nila si ling. To the point na maagang uuwi yung daddy nya para madala sya sa vet. clinic. At aabsent pa kinabukasan mommy nya para siya na mag-alaga kang ling. Nakakatuwang nakakatouch na nakakainis. Nasasaktan din kasi ako na makitang nahihirapan si ling eh. Naiisip ko din na what if kay yogi nangyarI yun, mahirap, nakakalungkot at nakakwindang. Dahil alam mong 50-50 yung chances na mabuhay nung dog. Nakakaawa talaga, almost blind na nga ata daw sya eh :'(. Kitang kita din sa kanya na nahihirapan na din sa sa kalagayan nya. Grabe, magssix months pa lang sila pareho ni yogi, tapos mauuna ba kaagad sya? Wag naman sana, magiging playmates pa sila eh. Nakakalungkot talaga. Nakakainisss. Alam ko kasi yung feeling na makita yung pinakamamahal mong pet na may sakit. Na hindi mo na alam gagawin mo para gumaling sila.

si kapati ni yogi na si ling yung nasa left, at si yogi yung nasa right.
2months old pa lang sila jan.

Ayoko na sanang magising,

echos lang yun syempre. :P
eh kasi tatlong beses ko na syang napapanaginipan. Sino ba namang hindi kikiligin dun. Syempre ako lang kikiligin. haha, apat na pala. Kasama na yung nung isang araw. The day before yesterday. KUHA MO? kidding, ayun nga. Positive at kakilig kilig talaga yung tatlong una. Di ko na halos maalala eh, yung pang-apat at latest na lang narerecall ko. Pero hindi positive </3 aww.

Ganito yun,
Bakasyon na sa panaginip ko. (bakasyon pa din naman kahit magising ako) tapos nasa some kind of a resort kami. Kamusta naman tag-lish ko. May dorm pa ng boys kaming pinuntahan pero walang tao. Kaya ko nasabing dorm ng mga boys kasi yun sabi nung kasama kong pumunta dun. Tapos, biglang nag-ring yung phone ko at sya yung tumatawag. Kinilig daw ako syempre. Tapos nagulat ako kasi ate nya pala.ayun kinausap ko. Kaya lang na-shock ako kasi parang sabi ng ate nya layuan ko daw sya, kasi nakakagulo ako sa pag-aaral nya. Na dapat mag-aral na lang daw muna. tsaka na yung "kami" Ganun yung thought eh. Pero hindi eksaktong ganun. (puro ganun)

Nagising na ko. That's it. That really is it. Bakit kaya? Nakakagulo nga kaya ko sa pag-aaral nya? de Bad Influence pa ko? homaysyomay. Yoko ng ganun. Tsaka, agree naman ako dun sa sabi ng panaginip ko na mag-aral muna. Agree talaga ko dun. di lang ako payag dun sa part na lalayo ako. Hmmm, ano. lumayo muna dapat ba talaga ko?

I am in misery, the silence is slowly killing me

I EXCITEDLY SANG WITH ADAM LEVINE AS THEY ROCKED THE SMX CONVENTION CENTER.THEY SOUND GOOD ON HEADPHONES AND SOUND A GAZILLION TIMES GREATER LIVE. OMG, THEY MADE THE CROWD GO CRAZY AND MY HEART SKIP A BEAT. THOSE GUYS REALLY ARE AMAZING AND I'M A LIVING WITNESS OF THEIR AWESOMENESS. I SWEAR THEY BROUGHT ME TO CLOUD-NINE! WHO WATCHED THEIR CONCERT LAST NIGHT? RAISE YOUR HANDS AND SING WITH ME! HAHAHA. \m/

that would've been my post IF ONLY I get to watch MAROON 5'S CONCERT.
maroon 5
maroon 5
maroon 5
maroon 5
maroon 5
MAROON 5
MAROON 5

fuck. I AM IN MISERY!!

"at one night only concert ng maroon 5, dinumog ng fans" sabi ni Vicky Morales ng Saksi.
TUMIGIL TAKBO NG MUNDO PAGKARINIG KO NUN. MUNTIK PA KO MAIYAK.
kada advertisement eh grabe daig ko pa nanood ng drama. Yung feeling talaga grrabe.
hahaha, ang arte ko. ang arte arte talaga. Eh anong magagawa ko, alam nyo naman siguro kung ano yung feeling na concert ng NUMBER1 FAVORITE BOYBAND mo, pero hindi ka makakanood. Sakit </3 nakakadurog ng puso. Sinabi ko pa dati na kapag nagpunta at nagconcert dito ang Maroon5, kaylangan makanood ako. *INSERTSADFACE* tara, pag usapan natin kung bakit hindi ako nakanood, para masaktan lalo ako,

Kasi ganito yun. Yung pera na supposed to be pambili ng bronze or silver ticket na binigay ng aking pudang(daddy) eh hindi ko ibinili ng ticket. Grabe mejo nashock pa nga ko kasi pinayagan nya ko manood kahit ni singkong banlag, ay duling pala, eh wala akong dinagdag. Ang tanging concern nya lang eh kung sino makakasama ko manood. I'm telling you, isang napakalaking himala na yon. Ayun nasakin na yung pera. Pero naconfuse ako. Dahil naisip ko, madami akong pwedeng bilhin sa perang yun. Tutal kako standing naman na sa Silver at Bronze. Ade ayun nag Divisoriaa pamandin kami ni mudang(mommy) kinabukasan. Patayy. Alam na! Paguwi eh ang sunod na inisip na namin ni mudang kung pano hindi maaalala o malaman ni daddy na hindi na ko manonood ng concert. *evilgrin* haha, kasabwat ko si mudang. Lagi naman eh. Partners in crime ba. Ayun, pag nanonood si daddy nililipat ko ng channel kasi baka biglang yung advertisemet ng concert nila bumulaga sa kanya ede kalaboso kami ni mudang, hindi din ako nagpapatugtog ng mg kanta nila kapag nasa paligid si pudang, baka maalala kasi e. *evilgrinulit* haha ulit. ang sama ko ba? Ayun. The rest is bitterness. haha ulit. paulit-ulit. Sawang sawa na mga kaibigaan ko kakapaalalang malapit na ang concert ng Maroon 5, at hindi ako makakanood. Kahit ako nasawa na kakapaalala sa sarili kong hindi ko mapapanood yung favorite boy band ko eh.

Nabalitaan ko pang tanging mararangyang point-and-shoot cameras lang ang allowed sa concert nila. Eh dukhang digital camera lang ang meron ako. De hindi ko pa sila mapipikchuran kung nagkataon. Tanging laway lang at sariling mata ko lang maipapasalubong ko pauwi. (pampalubag loob)

ONE DAY I'LL MEET THOSE GUYS. ITAGA MO SA PINAKAMALAPIT NA BATO SA'YO. DALI! ITAGA MO! AT MAY POINT AND SHOOT CAM NA DIN AKO SA "ONE DAY" NA YUN! SARILING PERA KO NA MAGDADALA SAKIN SA KANILA.


P.S. Nagpplay yung Sunday Morning habang nagttype ako. Para mapulbos na yung puso ko. LELS :D

Sunday, May 22, 2011

Blog Title: The Underside of Smiling

The Underside of smiling. How did I come up with that title?

I'm a very bubbly type of gal. You'll rarely see me cry, or tell everyone the problems I'm in to.
Makulit I think is the perfect description for me. And maybe if you'll ask every single friend I have, they'll be describing me with that word. I'm the one you are most likely to see laughing at the group, and the one who'll gladly smile even to strangers.

And do you know what's the underside of smiling? It's that they presume you're always okay.  That they can disregard your feelings all they want 'cause you won't be hurt anyway. There will be times when you try to say something serious and they won't find it serious.  People think your life is problem-free 'cause you smile, laugh, throw jokes, most of the time. They care less 'cause they see you as someone invincible.

And worse.. when there came those times when you needed someone to hold on to, you'll just find yourself alone in dismay.

That is why I decided to have the title: The Underside of Smiling, 'cause smiles don't bring the positive side out always. It sometimes make you hide all the pain inside.

Ituloy natin yung naudlot na kwento..

Bakit nga ba ko gumawa ng blog dito? Eh may tumblr account naman ako.
Kasi feeling ko mas private dito. Hahaha. kalokohang private. Nasa web eh tapos private? :P
Private in the sense na completely stranger ako sa lahat dito. Unless stalker ka. Alam na kasi ng mga common friends ko yung tumblr account ko. Infairess mejo nachallenge ako dito kasi yug layout ko mukang ewan. ayoko pa naman nun. Sana lang magaling ako sa HTML eh hindi naman. Sucks for me.


Dito maikkwento ko lahat ng gusto kong ikwento. Walang Hesitation. Masasabi ko lahat ng gusto kong sabihin ng hindi pinupuna ng lahat. Walang nakasunod sa bawat post ko na nakikita yung mga kalokohan ng buhay ko.


Gusto ko lang maexpress yung mga bagay na wala na kong panahong maiexpress pa sa iba. Yung mga emosyon na alam mo at alam ko na kapag pinakita natin sa iba huhusgahan kaagad tayo. Yung mga bagay na takot akong iexpress.


Bawat post ko dito, nagrereflect sa katangian ko. At aware ako na pwedeng one day may makakita netong hide-out ko. That's life. well in fact I can't keep this forever.


Just enjoy or be bored with whatever in here. :)

Saturday, May 21, 2011

So I started this blog..

Just because..
Teka. Late naaa. Kaylangan matulog maaga. Can't be late for tomorrow's mass.
I'll tell ya tomorrow. :)

IGOTTASLEEPFORNOW.